Bagaman likas na usaping pulitika ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte, hindi mapagkakaila na ito rin ay usapin ng pampublikong serbisyo.
Kailangan tumutok ang taumbayan sa paglilitis sapagkat ang kinabukasan ng demokrasya ng Pilipinas ang nakasalalay rito, pati na rin ang pagmamay-ari ng bawat isang Pilipino, kasama na ang kanilang pera, tiwala, at karapatan sa pananagutan.
“Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang paglilitis na ito, hindi upang usigin ang isang tao, hindi upang maghiganti sa kalaban, hindi para manalo sa pulitika, kundi upang sagutin ang isang tanong na napakahalaga sa kinabukasan ng ating republika: may saysay pa ba ang pananagutan sa ating bansa," Atty. Gerville Luistro, Lead Prosecutor sa impeachment trial.
Mahalaga ang paglilitis sa mga magsasaka sapagkat sila ang pangunahing nagpapanatili ng suplay ng pagkain sa bansa. Ngunit noong 2023, pumalo sa 27% ng magsasaka ay nabibilang pa rin sa mahirap na sektor.
Ipinapakita nito na patuloy silang naghihirap sa mababang kita, mataas na gastos sa produksyon, at limitadong suporta mula sa gobyerno.
Bawat sentimo na ipinapadala ng mga OFW ay bunga ng dugo at pawis, at mga sakripisyo.
Umabot sa USD 39.62 billion ang personal remittances ng mga OFW katumbas ng 7.3 percent ng kabuuang ekonomiya ng Pilipinas noong 2025.
Bilang mamamayang nagpapatakbo ng malaking bahagi ng ekonomiya ng bansa, may karapatan sillang umasa na ang bawat piso na ipinagkatiwala nila sa pamahalaan ay ginagamit nang may integridad, at pananagutan.
₱612.5 million ang allocated budget ng OVP noong siya ang tagapangasiwa ng DepEd at bilang bise presidente. Ngunit, 165,443 ang kulang na klasrum sa buong bansa, habang kulang ang bansa ng guro ng 86,000.
Bilang guro, mahalaga ang paglilitis dahil hanggang sa kanilang mga tahanan, dala-dala pa rin nila ang bigat ng tungkulin nilang bigyan ng maayos na edukasyon ang mga mag-aaral.
Isa sa pinakamalaking problemang kinahaharap ng tsuper ang pagtaas ng presyo ng langis na bumubuo ng malaking bahagi ng kanilang araw-araw na gastusin.
Patuloy ang panawagan ng mga transport group para sa pagtaas ng minimum na pasahe mula ₱13 tungo sa ₱18, pag-alis ng excise tax at VAT sa langis, at dagdag na suporta mula sa pamahalaan.
About the Journalist
BREAKLINE PH
We are the official staff and editorial board of Breakline.




