Kung napapaisip ka kung bakit hindi na kayo nag-uusap ng BFF mo kahit wala kayong pinag-awayan, here are some possible reasons.
Ayon sa pag-aaral ng Dutch sociologist na si Gerald Mollenhorst, halos kalahati ng mga taong malapit sa atin ay napapalitan sa loob ng pitong taon.Ipinapakita nito na karamihan sa mga taong minsang naging malapit sa atin ay unti-unting napapalitan habang nagbabago ang yugto ng ating buhay.
Hindi lahat ng tao ay nakatakdang manatili sa ating kwento hanggang sa huling hininga, at may paliwanag ang agham tungkol dito.
Batay sa isang pag-aaral, maraming pagkakaibigan ang nabubuo dahil sa proximity o pagiging malapit sa isa't isa. Kapag nawala iyon, mas mahirap nang panatilihin ang friendship.
Dati, problema ninyo kung saan kakain pagkatapos ng klase. Ngayon, problema na ng iba ang renta, trabaho, pamilya, o tuition ng kapatid o kaya anak.
Hindi dahil hindi ka na mahalaga. Minsan, mas marami lang talagang kailangang unahin habang tumatanda.
Kapag unti-unting nababawasan ang mga iyon, humihina rin minsan ang koneksiyon.
Likas sa tao ang magkaroon ng bagong social circle. Hindi ka naman pinalitan, nagkaroon lang siya ng bagong grupo na madalas niyang makasama. Batay sa pag-aaral, "Total Network (Presence): Only 48% of your friends stay in your life. The other 52% faded away completely; Inner Circle (Role Stability): Only 30% of your closest confidants keep that "best friend" status. The other 70% downgrade to casual friends or dropped out entirely."
May mga pagkakaibigang hindi winasak ng away. Minsan, wala lang sa inyong naglalakas-loob na mag-first move at mangumusta.
Sa pag-aaral ni Mollenhorst, ang kawalan ng mutual effort at pagpapanatili ng komunikasyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng friendship decline.
Hindi lahat ng tao ay nakatakdang manatili sa ating kwento hanggang sa huling pahina, may ilan na magiging isang mahalagang kabanata lamang.
At kailangan nating matanggap na may mga taong mamahalin natin habambuhay kahit hindi na sila bahagi ng ating kasalukuyan.
About the Author

Kanna Alanano
Kanna Alanano is a BS Accountancy student, student leader, and campus journalist at The NORSUnian of Negros Oriental State University. She is also a Writing Fellow at Science Konek. She previously served as Editor-in-Chief of The Flame, where she specialized in opinion and editorial writing, layout, and graphics. Her other areas of expertise include literary and lifestyle writing in both Filipino and English. A Schools Press Conference awardee, she also qualified for the Regional Schools Press Conference in English Editorial Writing. Passionate about law, writing, and public service, she aspires to become a criminal justice lawyer and a published author whose work informs, inspires, and advocates for justice. Reach them at kannaalanano@gmail.com.




