Click. Snap. Posted. Sa isang iglap, may bagong laman ang feed.
Isang bidyo, isang larawan, isang rekomendasyon mula sa mga paboritong influencers—at biglang nasa kamay ng lahat ang parehong inumin.
Hindi naman talaga kilala noon ang matcha latte bilang pangunahing bida sa mga café. Ngunit pagsapit ng 2024 at 2025, sumabay ito sa agos ng mga viral trend sa TikTok. Mula sa simpleng tasa ng berdeng tsaa, naging simbolo ito ng estetikang hinahabol ng maraming gumagamit ng social media.
Namayagpag ang matcha hindi lamang dahil sa natatanging lasa nito kundi dahil na rin sa pagiging “Instagram-worthy.” Sa bawat post, story at reel, lalo itong sumiklab hanggang marating ang iba’t ibang panig ng mundo.
Patunay rito ang datos ng Tastewise na nagpapakitang tumaas ng 19% kada taon ang interes ng mga mamimili sa matcha sa social media—mula sa paghahanap ng mga recipe hanggang sa pagdaami nito sa mga menu ng mga establisimyento.
At habang patuloy na nag-i-scroll ang mundo, patuloy ding lumalawak ang merkado ng Japanese green tea.
Noong Pebrero 2026, nanguna ang United States sa pinakamalaking umaangkat ng matcha mula Japan na may 43% ng kabuuang export. Sinundan ito ng Germany na may 8.5%, Malaysia na may 6.3%, Thailand pati na may 4.4% at Taiwan din na may 3.4%. Ang natitirang 34.3% ay napunta sa iba pang mga bansa.
Ngunit tulad ng maraming bagay na sumisikat nang mabilis, hindi rin ligtas ang matcha sa kakulangan.
Sa kasagsagan ng kasikatan nito, nakaranas ang Japan ng matinding heatwave noong tag-init ng 2024. Nayanig nito ang taniman at bumaba ang ani may ilang magsasaka pang nakapagtala ng hanggang 25% na pagbaba ng produksyon.
Dahil sa lumiit na suplay at patuloy na paglaki ng demand, umabot sa 170% ang itinaas ng presyo ng tencha—ang dahong ginagawang matcha sa Kyoto auction.
Hindi napigil ang kakulangan ang pag-usbong ng industriya. Sa kabila ng mas manipis na ani, tumaas pa rin nang humigit-kumulang 25% ang halaga ng export ng Japanese green tea noong 2024.
At sa patuloy na paglobo ng popularidad ng matcha, napupunta na rin ang usapan sa cultural authenticity at ang pagiging komersiyalisado nito.
Batay sa datos ng First Agri, inaasahang aakyat na sa $7.8 billion ang market value ng matcha sa 2030, mula sa dating $4.2 billion noong 2024, at itinatalang 10.8% ang Compound Annual Growth Rate (CAGR) ng matcha mula 2026-2036.
Inihayag din ni Darleen Scherer, Founder of Black Sheep Coffee Collab, “What’s happening with matcha today is essentially the same playbook we’ve seen in specialty coffee: a culturally rich product gets repackaged for mass consumption, prioritizing visual appeal and customization over the craftsmanship that defines it.”
Sa ngalan na gawing kaakit-akit ang matcha sa merkado, patuloy nang nalulusaw ang cultural authenticity nito—ang pundasyon ng tradisyonal na inumin ng Japan.
Nakabibighaning tunay ang luntiang kulay ng matcha. Ngunit kung trends lamang ang dahilan para tangkilikin ang ito, magmimistulang bittersweet taste na lamang ang lasa nito sa bawat pag-inom.
Clicked and posted—dating tradisyunal na inumin ng Japan, ngayon ay laman ng feeds at trends.




